Ang mga uri nang pangungusap ay ang mga sumusunod:
1. paturol/pasalaysay- ito ay nagsasalaysay at nagtatapos sa tuldok (.).
ex. Ang puno ay matibay.
2. pakiusap-ito ay nakikiusap at ginagamitan ng paki"at nagtatapos sa tuldok (.)
ex. Paki kuha nga ng bag ko.
3. patanong-ito ay natatanong at nagtatapos sa tanedang pananong (?).
ex. Paano ba gawin ito?
4. padamdam-ito ay nag sasaad ng matinding damdamin at nag tatapos sa tandang padamdam (!).
ex. Naku! na dulas ang bata
5. pautos-ito ay naguutos at nagtatapos sa tuldok (.).
ex. Mag salita ka nga ng maayos.
Ibang kasagutan:
May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
1. Pasalaysay - o tinatawag ding paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.).
2. Patanong - ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
3. Pautos - ang pangungusap kung ito ay nagtatanong at pakiusap naman kung ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos at pakiusap (.).
4. Padamdam- ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
karaniwan at di-karaniwang pangungusap. ang karaniwang pangungusap ay mas nauuna ang panaguri kaysa paksa at ang di- karaniwan naman ay mas nauuna ang paksa kaysa panaguri. malalaman din na ang pangungusap ay di- karaniwan kapag mayroon itong pangawing na 'ay'....